Ephesians 6:18 (NASB)
With all prayer and petition pray at all times in the Spirit, and with this in view, be on the alert with all perseverance and petition for all the saints.
Sa sitwasyon ngayon, maraming mga bagay ang kumukuha ng atensyon natin. Minsan hindi mo alam saan patungo ang mga oras na binubuno. Minsan hindi mo alam bakit mo ba nararanasan ang mga pangyayaring ito. Minsan napapagod ka at parang gusto ng sumuko. Pero minsan ba sa mga oras na ito at wala kang maisip gawin o bored ka, nakapaglaan ka ba ng oras para magpasalamat sa Diyos na may likha sa atin? (Psalm 139). Sa Diyos na may likha ng langit at lupa? (Genesis1:1). Na Siyang gumising sa’yo para sa panibagong sigla at nagbigay ng panibagong umaga para sa bagong simula? (Lamentations 3:22–23). panibagong pag-asa upang lumaban (Isaiah 40:31) at panibagong biyaya para mas lalong magtiwala?(Isaiah 26:4). Kaibigan, kailan ka huling lumapit sa Diyos para magdasal at magpasalamat? Walang masama, walang mawawala kung susubukan mong magtiwala. Magtiwala na sa kabila ng lahat ng nararanasan natin ay patuloy Siyang magbibigay ng panibagong buhay.
Gaano kahalaga sa’yo ang mga bagay na meron ka ngayon? Ang mga tao na kasama mo ngayon? O kahit ang mga tao na hindi mo kasama ngayon, ‘yong tipong mga namimiss mo na? Mga kaibigan na gustung-gusto mo ng yakapin at makita sa sobrang pagkamiss? Mga lugar na gustung-gusto mo ng puntahan? Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon para ipagPRAY tong mga bagay at tao na ito? Nakapagpasalamat ka na ba sa Diyos, na minsan mo silang nakasama at napuntahan? At nagdadarasal na magkikitang muli? Nagpasalamat kana ba dahil ligtas ka at ang pamilya mong nasa bahay?
Naranasan mo na rin ba na ipagPRAY ka ng kaibigan mo? O kahit ng hindi mo kilala. Di ba masarap makarinig ng, “Friend, I prayed for you today”. “Friend, naalala kita. Pinagpray kita”. Masarap pakinggan na may taong naglalaan ng oras para ipagpray ka, para kumustahin ka at para ma-encourage ka. Sabi nga sa 1 Thessalonians 5:11, “Therefore encourage one another and build up one another, just as you also are doing.” Salamat sa Diyos sa pagpapaalala na may magagawa tayo sa kabila ng sitwasyon na ito. Manalig tayo sa Kanyang kapangyarihan. Magtiwala tau sa Kanyang kabutihan at Magpalakasan tayo sa pamamagitan ng pagdarasal. 1 Thessalonians 5:17,”pray without ceasing”.
Hindi man natin alam kung saan tayo dadalhin ng sitwasyon natin, pero alam natin kung saan tayo dinadala ng ating panalangin. Magtiwala ka, nakikinig Siya. Mahal Ka Niya. Jeremiah 31:3,”I have loved you with an everlasting love”.
____________________
Gracey Ballesteros
May 6, 2020